
Anong klase ka ba?
Bakit hindi ako makawala sayo?
Hindi ko alam kung bakit lagi kang nandiyan?
Ano nga bang gusto mong ipakita sa isang hamak na tulad ko?
Minsan masikip, minsan maluwag!
Kelan ka kaya sasakto sa akin?
Kung minsan hindi pantay at kung minsan ay lagpas pa!
Pero ano nga ba ang gusto mong ipakita?
Ngayon alam ko na kung bakit andito ka?
Sa kadahilanang sa aki’y may kulang pa!
Kakulangan na dapat malaman
Ng isang inosenteng tulad ko!
Kaibigan ng lahat ang turing sa’yo
Dahil ikaw ay may hawak ng lahat
Lahat ng bagay na kailangan ko
Lalo na ang oras na pinahahalagahan mo!
Oras, na hindi na sasayang
Kahit minuto o Segundo man
Ay, pinahahalagahan makasama ka lamang
Upang maipakita, mundo ng kayamanan.
Minsa’y kulay mo’y kakaiba
Minsa’y sobra sa pagka-bongga
At kung minsan ay sobrang simple
Pero isa lang lagging gusto mo!
Kagustuhang maipakita ang lahat
Lahat ng bagay dito sa mundo
Na hindi basta-basta sa paningin ko
Kung di’ ka kasama sa paglakbay ko.
Marami na akong nakita
Marami na rin akong nakilala
Dahil sa sobrang tibay mo
Umaraw man o umulan ay nandiyan ka lamang
Kahit sa saya man o gulo pa man
Kumanta man o magsayawan
Ikaw ay kasama ko
O kay buti ng isang tulad mo na hindi mapapal’tan ng kahit sino man
Kahit sa katapusan ng buhay ko
Ikaw parin ang kasa-kasama ko
Marahil sa napamahal na ako sa’yo
Kaya di’ na rin kita maiwan oh! Sapatos koh!